Tip#1 - Create a Checklist of WHAT TO DO! - Importante ito dahil dapat nakasulat lahat ng kakailanganin mo sa pagpapasimula ng Negosyo. Sa loob ng LIST naka sulat Place Rental, Computer Parts, Area ng Pagtatayuan ng Business, Amount Cost, Advance Budget o Buffer para sa Kuryente at Pagpapaayos ng Lugar na paglalagyan ng Negosyo kung kinakailangan. (Tandaan sa una at dalawang buwan dapat may sobra kang pera upang masagot o mabayaran ang upa (renta) o kuyente bilang paniguro lamang sa overhead cost)
Tip#2 - Humanap ng Mapagkakatiwalaan na bilihan ng parts ng computer - Mag-ikot ka sa mall at sa mga computer shopping area tulad ng Greenhills o sa may Quezon Avenue. Importante na tapat o honest ang mapagbibihilhan nyo ng parts. Mag ask din ng suggestion sa bibilhan kung ano ang tama sa set-up na angkop sa pagtatayuan. Ikokonsider din muna dapat ng shop owner yung lugar na paglalagyan ng mga pc kung ito ay may aircon o wala para makapagdagdag ng cooling fan sa loob ng pc.
Tip#3 - Pagnatapos na ang Set-up ng PC dapat i-Consider ang Electric Bill - dapat pagkatapos rentahan o gamitin ang pc dapat ito ay pinapatay agad. upang hindi kumain ng kuryente.
Tip#4 - Magtipid ng kuryente pag nagpapatch ng game. Hindi tama na ipatch mo ng sabay sabay na nakabukas ang pc at sabay sabay nag dodownload, dapat isa lang pc ang magdodownload pagkatapos ito ang magiging source mo upang hindi kumain ng sobrang kuryente lahat ng pc.
Tip#5 - Dapat may process flow ang negosyo. - Dapat gumawa ka ng process flow sa open office draw upang maintindihan ng bantay mo o ikaw mismo ang proseso ng negosyo mo mula sa pagbukas hanggang mag sara.
Tip#6 - Gumamit ng Software upang mag control ng oras ng gamit ng pc. Like Security Software Cafe Suite, Cyber Cafe Pro o di kaya yung libre na Handy Cafe, Timer (www.handycafe.com) upang hindi mano o manual ang pagtatala ng oras ng shop. Sa ganon malalaman mo din ang oras na konsumo. Ayon sa tala o pag aaral ang 350 to 400 watts ay kumakain ng Php 30.00 sa walong oras. (kasalukuyan rate). reperensya: http://www.meralco.com.ph/ces/ces.jsp
Tip#7 - Bumili ng License Software - Dapat ang bawat mag invest sa computer ay bumili ng OEM Microsoft License (Windows Vista Business) ang available sa market. Wala ng Windows XP simula nung Feb 1, 2009. Mali na isipin ng bawat investor o magtatayo pa lang ng computer shop na isa-sa lang ang bili ng software. Dapat ito ay kasama sa listahan ng pagsisimula pa lamang. (Php 7,500 ang isang license ng PC / Microsoft OEM OS kasama dapat sa bibilhin bagong pc) and Vista Business ay may bukod na Internet Cafe License Rental Agreement. Siguro magtatanong ka bakit hindi pwede paisa-isa? Dahil ang pera na pinagpaguran mo ay dapat mo proteksyonan...tama ba ako? sapagkat pag dumating nag OPTICAL MEDIA BOARD, PNP and NBI sa internet cafe mo para mag check ng licensing ng pc mo. Tiyak kung isa lang nabili mo. isa lang ang legal. kung meron kang benteng computer tiyak 19 units dadalhin nila at isa nalang ang matitira sayo. May kaso ka pa. Imagine ganon nalang kabilis mawawala ang investment mo. Isama mo na ito sa unang IMPORTANTE sa checklist mo. Huwag makinig sa sabi-sabi ng ibang computer shop. (as per compliance Republic Act No. 8293 and Republic Act No. 9239) visit www.papt.org.ph and www.bsa.com
*tatakbo ba ang lahat ng games sa vista. Ang Microsoft ay nagbigay ng downgrade rights policy sa EULA nila under VISTA Business software. Pwede mo downgrade OS into Windows XP Professional.
Tip#8 - Dapat kumuha ka ng tuitorial o crash course sa Basic Computer Operations - Dapat ang isang shop owner ay marunong gumamit ng computer at huwag i-asa lamang sa technician o magbabantay ng shop. reperensya: http://www.ace-itlearning.com
Tip#9 - Punuin ng Produkto ang Internet Cafe shop mo - tulad ng paglalagay ng AUTOLOAD, ELOAD, SNACKS, CHIPS, CANDIES, SOFTDRINKS at iba pa na alam mo ikokonsumo ng customer mo habang sila ay nagrerent. At kung pwde ay maglagay ng PAYPHONE for local call Php 5.00 per 3 mins at VOIP Phone for international call depende sa lugar na tinawagan ang rate. Usually Php 20.00 per 15 minutes.
Tip#10 - Security Locks - dapat may sapat na lock ang shop mo. Maglagay ng ABLOY padlock (http://www.abloy.com.au/default.asp?id=53) isa sa matibay na padlock sa market... pero alam nyo ang ginagawa ng mga magnanakaw sa pinagkakapitan ng padlock sila pumuputol kaya dapat magandang klase ang accordion nyo o ang bakal na pinaglalagyan ng padlock na hindi mapuputol at again dapat maganda pagkakamount ng aircondition unit nyo (if may aircon shop nyo) kasi minsan dun na din sila dumadaan.
Tip#11 - Accurate reports sa Income - dapat maglagay ng buwanang Auditor o bookeeper para makita mo kung kumikita ang negosyo o hindi. (Php 1,000~1,500 a month ang bayad sa accountant)
Tip#12 - Mag-isip ng Promo buwan-buwan - dapat naka line-up na lahat ng promo mo buwan buwan. dapat din i-konsider ang mga event sa inyong city o municipality kasi isa ito sa magpapalakas sa negosyo mo. Sumali ka sa mga tarpuline placements ng barangay o kumuha ka ng sponsorship sa iyong lugar kahit mura lang ang babayaran mo basta lilitaw name ng shop mo dun lalo na sa mga malalapit na schools.
Tip#13 - Dapat Ma-alaga sa Computer at paligid. - Araw araw dapat nililinis ang lugar ng shop. Magwalis at mag spray ng air freshener at maglinis sa cpu casing araw araw at sa keyboard. Webcam and mouse. Para ma encourage mo ang mga customer na mag internet o lan game sayo dahil sa malinis ang maayos ang amoy ng shop mo. Ituring mo din na parang restaurant ang shop mo na kapag malinis ang paligid mas marami ang natututwang pumasok at mag rent. Ugaliin din may takip ang mga monitors at cpu at printer pag nag-sara na kayo para iwas moisture din. (if you are not running in 24hours operation)
Tip#14 - Simula palang ng set-up ng mga pc dapat naka patch na lahat ng online games at bumisita sa lahat ng online game company upang magkaroon ka ng posters etc. like www.e-games.com.ph, www.levelupgames.com, etc. yung pagpapatch ay dapat ginagawa pagsetup na ng pc mo sa shop.
Tip#15 - Maghanap ng DSL Provider na aangkop sa operation ng shop mo. Recommended: No.1 BAYANTEL, No.2 GLOBE BROADBAND, No.3 PLDT DSL, No.4 DIGITEL, No.5 SMARTBRO (kung wala ng DSL sa lugar ng set-up mo.) look for better DSL with minimum bandwidth traffic of 1Mbps to 3Mpbs. kung smart bro kukunin mo pwedeng dalawang unit o subscription. basta may isa ka pang traffic server na mag manage ng bandwidth mo o bandwidth manager.
Tip#16 - Maglagay ng tamang anti-virus - tulad ng AVIRA. visit www.download.com
Tip#17 - Magset-up ng Unlimited Ink - para sa printing hindi ka mamulubi sa gastos sa ink. www.unlimitedink.com.ph
Tip#18 - LCD Monitor ang dapat naka bundle sa Computer na ipapaset-up nyo para hindi kayo mamulubi sa kuryente. At menos din sa init ng shop na pinoproduce ng monitor.
Tip#19 - Sumali sa mga Internet Cafe Association. - para maging updated ka sa mga issues and events sa lugar mo. Please join to our Internet Cafe Association, before we start a NEW association or Organization dapat i have atleast 200 members minimum nationwide.
Please click to this link and fill-up the application form if you are interested. After we received your application we will send you confirmation and approval of application.
Tip#20 - Business Plan (1 Year to 5 years) - para sa tamang pagpaplano ng negosyo. Questions to Consider: What you will be 6 months to 5 years from the business started? How much is the total investment? How much is the Monthly Overhead? How many staff i need? What security measure to be inplace? Do i need high multiple internet connections? Ready na ba ako after 1 to years to set-up another branch? Do i need to set timeline? Etc. Etc. Plan to Grow Your Business...Madami kang makikita sa Internet How to Project your business. search to www.google.com
Tip#21 - Gusto mo ba maka-iwas sa VIRUS Problem? - Kung pure internet lang ang access o type ng rental ng shop mo at walang gaming. We recommend the Linux Application para maka iwas sa VIRUS Problems at maintenance ng softwares. visit. www.ubuntu.com
Tip#22 - Iwasan ang mag install ng mga games na download lamang. - Dahilan sa karamihan sa free games sa internet ay naglalaman ng viruses lalo na kung ito ay galing sa torrent o pirated na nakuha mula sa internet. Ito ay magpapabagal ng computer system mo. Kung ano lamang ang sa palagay mo ang hinahanap ng customer yun lamang ang ilagay mo. At huwag mag experiment sa lahat ng pc mo upang hwag masira ang mga ito.
Tip#23 - Mag Lagay ng Camera or Surveillance Camera - Kung nasa kalagayan ka o may budget naman maari mag lagay ng camera hanggang tatlo o apat na unit. Para mabantayan ang negosyo mo. Visit http://www.ecbuyph.com/security-camera.htm o di kaya naman bumili ka nalang ng A4TECH camera na usb 2pcs at 1pc. na USB PCI expansion port na (4ports ready na) then click this link to download recording software.
Tip#24 - No Student in School Uniforms - Iwasan ang magpalaro ng Student sa High School wearing School Uniform from 8am to 5pm. Nationwide ipinagbabawal ang pagpapalaro ng naka uniform. Gawin mo ito bilang self decipline upang hindi ka pag initan ng local government. Bawat lunsod, probinsya o munisipalidad ay may ganitong batas o ordinansya sa pagreregulate ng High School Student in Uniform. click this as classic example: http://www.gmanews.tv/story/51318/Lim-order-Internet-play-for-pupils-banned-during-class-hours
Tip#25 - No Cyber Sex - Hwag pumasok sa isip ng sinuman na magtatayo ng Internet Shop at mag set-up ng Cyber Sex o Pribadong Kwarto upang doon makipag usap ang magrerenta. Alam natin na ang cyber sex ay mahigpit na ipinagbabawal. Malaki nga ang kikitain mo tiyak naman makukulong ka at mawawalan ka pa ng negosyo. Kaya kung may plano ka mag setup tapos gagawa ka ng ilan kwarto para dito...huwag mo na ituloy.
Tip#26 - Set-up Local Server - lahat ng paraan ginagawa ng mga shop owner para dumami ang customer ng ating negosyo di ba. Isang maganda tip ang makapag set-up kayo ng dalawang server na magmamanage ng internet connection nyo tulad ng paglalagay ng Linux Based Web Caching Server at DNS bind9 Server para sa mabilis na pag access ng inyo internet. Na experience nyo na din ba kahit naka 2MB ka pero nag lolog pa rin. lalo kapag madami na gumagamit. Yung ibang shop nga ang ginagawa ay hindi nagpapa surf kapag madami nag online games. Maganda mag setup ng gateway kapag ang shop mo ay higit sa 20 units pataas. tapos isang 2MB pipe lang. this will increase browsing experince up to 50%. At lahat ng patching and update ng games madali lang madodownload from the gateway without the hassle of logs and downtime.
Tip#27 - Speed Up Your Internet Speed Without Taking Much Bandwith. Mga bro ito po ang sekreto ng mga Internet Cafe Owner as i said sa previous Tips ko. Im selling it at Php 30,000 worth of Server that will manage your Bandwidth. You can buy it then down for 50% then the 50% remaining payable within 90days. I also accept demo. Just send YM message to hologramzero@yahoo.com or send email to callcenter@oncallpcsupport for demo schedule. Demo are available within Metro Manila and nearby provinces only. For Cebu and Davao Area. we can arrange the demo. However the client shall agree to provide the following: like transportation (via airplane), food and lodging.
Tip#28 - Honest Technician - Huwag magpapalit palit ng Computer Technician na nag aasikaso ng Internet Cafe mo. Bakit huwag magpalit palit? kasi bawat technician ay may kanya kanyang diskarte sa pagsesetup at pag maintain ng shop. Kung sa palagay mo mas nagagawa nya ang shop mo ang mga computer ng maayos manatili ka na lamang sa iisang technican. Honest ay mahalaga din kundi magbagobago ang piyesa ng computer parts mo. at honest din sa pagsasabi ng technician sa may-ari kung yun ang totoong problema kung ikaw ay nagdududa sa mga computer hardware mo. For Automated Computer Hardware Inventory Service (please contact details below)
Tip#29 - Important Information About Genuine Software - Alam naman natin na tayong mga Pinoy mahilig sa libre lalo na sa hirap ng buhay ngayon at isa pa Hindi lang dahil natatakot tayo kaya ka bumili ng license software. Hindi mo ba alam na mas liliit ang chances ng problema mo sa Operating System pag Genuine ang gamit mo kasi si MICROSOFT ay lagi nag papadala ng mga security patches sa mga legal software na naka online para ma proteksyonan ka sa problema. Personal na experience ko ito nung PIRATED ang gamit ko maya't maya may problema, mabilis bumagal ang pc kaka reformat mo palang pero nung nag legal license na ako nawala ang problema nung nag express update na agad ako sa MICROSOFT website. Tandaan natin na kapag ang software na binili lang natin ng 100 pesos sa bangketa ay totoong THREAT sa negosyo natin tulad ng Internet Cafe at other Business kasi bukod sa takot na mahuli tayo ng ANTI-PIRACY delikado din tayo na mademanda sa ibang bansa dahil sa problema sa MALWARE, BOTNETS etc. Malawak ang problema sa MALWARE at BOTNETS (hacking) wala tayong kamalay malay na nagagamit na ang network natin dahil pirated tayo. Guys, walang binayad ang sinuman sa akin para mag promote ng product o anuman. Gusto ko lang i-share sa inyo ang personal experience sa inyo at tamang gawin ng bawat isa sa atin upang maiwasan ang mga problema maaring lumitaw sa hinaharap.
No comments:
Post a Comment